Hindi na mahalaga kung maliit o malaki ang naitulong mo.
Ang mahalaga, nakatulong ka.
Iba talaga kasi yung nagagawa ng ngiti.
Kahit sa isang simpleng ngiti mo hindi mo alam madami kang napapasaya. Kahit na sabihin mo na pangit yang ngiti mo, madami pa din nagagandahan diyan. Minsan nga kahit hindi ka okay basta ngumiti ka lang ayos na, malalaman na nila na kahit papano masaya ka kahit fake smile lang yung ginawa mo at least kaya mo pa ding tumawa diba? Kahit na problemadong problemado ka na.
Kapag naman malungkot ka at wala yung mga ngiti mo sa labi makakaapekto pa din ito sa mga taong nakapaligid sayo. Kung malungkot ka, magiging malungkot din sila lalo na kung mahalagang mahalaga ka sa mga taong nakapalibot sayo. Iisipin nila na sana sila na lamang yung malungkot at hindi ikaw.
Kung tutuusin kayang kaya naman talaga natin ngumiti sadyang sinasabi lang natin sa utak at puso natin na HUWAG.
(Source: thesolitarychick)
I miss you.
Ang saya kapag may nakakamiss sa atin eno? Minsan nga, hinahanap hanap ka pa nila. May mga tao naman na nagsasabi ng ganyan pero hindi mo naman maramdaman na miss ka nga nila. Sasabihin pa nila “Ang manhid mo” Nakakatanga lang mga tao ngayon.
(Source: jenjenenn)
Nakakasawa na. JSYK.
Gagawa ng blog dito sa Tumblr tapos magdedeactivate kapag naisipan tapos gagawa nanaman ng bagong blog kapag naisipan.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat mong ipaglaban taong mahal mo sa magulang mo.
Kung nasasaktan ka dahil hindi nila tanggap ang pagmamahalan ninyo, mas nasasaktan sila. Magulang sila eh.
Ang buhay ay weather weather lang.
Ang daming tao ang pinagtatawanan lang ang linyang iyan. Ang hindi nila alam, totoong totoo ‘yan sa buhay ng tao.
Online Check
PinoyBlogs is back! :D Submit your ideas or anything you want to share with us - http://pinoyblogs.tumblr.com/submit
Balang araw, ang mga pagsubok na nararanasan mo ngayon ay magiging isang magandang kwento na lamang.
(Source: coyntoss)
Long Distance Relationship.
Sabe nila, eto daw yung madalas hindi nag wowork-out sa isang relasyon. Baket nga ba? Dahil malayo kayo sa isa’t isa? Hindi naman importante yun diba? Basta nag mamahalan kayo. Sabe nila Trust daw ang pinaka importante lalo na yung communication. Hirap lang kase sa oras talo kana. Pero kung mahal mo talaga ang isang tao gagawa ka ng paraan para lang makausap siya. Kung busy di naman mahirap tumawag o kaya mag message diba? Pero madalas kase nawawalan tayo ng time para sa partner naten. Kaya minsan yung dateng sweet ngayon parang nag iiba na. Dateng “mahal na mahal na mahal kita” ngayon “mahal kita” nalang, date hinihiritan pa ng mga cheesy quotes o banat ngayon parang balewala na. Unti-unti nang nawawala yung spark. Unti unti ka na ding nasasanay na hindi na magiging ganon katulad date. Pano na yung pangako niyong mag hihintayan kayo hanggang bumalik siya? Pano na yung mga binitawan mong salitang “Ikaw lang talaga” , “Hindi kita ipagpapalet” at “Promise,Sayo lang ako”? At higit sa lahat maiisip mo nalang kung ano na ang nangyare sa salitang binitawan nyo na “MAHAL KITA,WALANG IWANAN HA”?
(Source: be-you-tiful17)
